fbpixel

10 Kumentong Pagod Nang Marinig Ng Mga Empleyado Tuwing Pasko

Pasko na naman! Habang ang ating mga magulang ay abala na sa pagkakabit ng mga dekorasyong pamasko at ang mga bata sa paglikha ng mga instrumentong gagamitin sa kanilang pangangaroling, tayo namang mga empleyado ay abala na agad sa pagkompyut ng 13th month pay sa isip pa lang natin.

Speaking of the 13th month pay and bonus, no matter how we keep it discreet, hindi maiiwasan na may makakaalam at makikialam pa rin. May mga nangungulit na ba sa’yo? Para malaman ang mga tanong at komentong kailangan mong paghandaan, kinalap namin ang sampung bagay na pinakamadalas na naririnig ng mga Pilipinong manggagawa tuwing sasapit ang kapaskuhan.

**Disclaimer: The following comments we gathered from our writers do not intend to ridicule, mock, or call out those who may have similar stories stated within the content. Have fun reading!

1. “Uy, regalo ko, ah?”

This statement never fails to make us go, “Wow, ah?” As far as we can remember, dapat ang regalo ay kusang ibinibigay—hindi by request dahil lang alam nilang may 13th month pay ka na. Christmas is about celebrating the birth of Jesus, hindi ‘yung naniningil ka ng regalo jan, bes.

2. “Malapit nang dumating ‘yung Christmas basket mo, ah?”

Madalas itong sinasabi ni nanay, tatay, ate, o kuya lalo na kapag alam niyang pasko na naman at kailangang mag-budget na para sa ihahanda sa Noche Buena at Media Noche. Pero ‘nay, chill lang muna ah. Hindi pa kasi talaga ina-announce samin kung magkakaron kami this year eh. Kalma lang po.

3. “Tara, Divisoria tayo!”

Don’t get it wrong. Of course, masaya pumunta sa Divi lalo na kapag papalapit na ang pasko at may budget ka na para mang-hoard ng panregalo sa mga kamag-anak, inaanak, at mga katrabaho. Pero may mga tao kasi na kung sino pa ‘yung walang pera, siya pa ‘yung malakas makapag-aya. Hi, bes!

4. “Uy, yung inaanak mo, ah? ‘Wag mong kakalimutan.”

Alam mong kawawa ang inaanak mo kapag mayroon siyang “stage parent” na siyang tumatanggap ng perang pinamaskuhan nito. Ang malala pa, yung wala pa ngang pasko, kino-kontrata ka na ng kumare mo na ‘wag kakalimutan si Junjun sa December 25. Parents, please take note of this. Just don’t.

5. “Pang ilang pasko mo na ‘yang mag-isa?”

Though some may take this joke well, be sensitive parin. We all know na hindi naman talaga ‘yan nag-iisa. May pamilya at mga kaibigan ‘yan (gaya mo) na nagmamahal sa kanya, and I think that’s more beautiful, diba?

6. “Baliktad na daw ang mundo ngayon. ‘Yung ninong/ ninang na ang nireregaluhan.”

Sometimes when things get awkward, it’s difficult to pick up a good joke—and our godparents are no stranger to that. But ninong/ninang, kung magjo-joke ka ng ganito para lang matakasan ang topic tungkol sa pamasko, you don’t need to. Remember that your role is to be our guide and second parent, hindi po personal Santa Claus.

7. “Konti na lang kakainin ko sa Noche Buena.”

We all have that one friend who always keeps a promise to take Noche Buena lightly this time. ‘Wag kami, bes. Ipupusta ko ang savings ko pati na ang pag-ibig ko kay James Reid, because I’m so certain I will catch you devouring that Christmas ham once more. Yung mga paborito mong 90s kids snacks, di mo pinalampas e!

8. “Pasko na naman. SMP ka parin?”

Simula nang pasikatin ng isang iced tea commercial ang katagang “SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko”, mas dinamdam na ng ating mga single na beshies ang singlehood tuwing Christmas. Oo, pasko na naman at nakikialam ka parin sa buhay single ko. Why some people can’t just let us live? Hindi naman epidemya ang pagiging single. It’s a choice and we’re happy about it.

9. “Sagot mo na ‘yung (insert name of food) sa Noche Buena, ah?”

When your nanay knows you have a regular job with satisfactory pay, she expects that a little “contribution” for Noche Buena will be a piece of cake to you. Paminsan pa, may konting banat pa ‘yan na, “Wala ka naman masyadong binabayaran sa bahay,” to convince you. Tuloy, hindi mo alam kung pangungunsensiya ba ‘yun o panunumbat. But you still give anyway kasi—of course—family, yan eh.

10. “May 13th Month Pay ka na raw? Libre mo naman ako!”

Mayroon pa rin talagang mga taong kung maka-request ng libre ay parang 7-digit salary ang sinasahod natin kada-buwan. Kung alam lang nila na hindi lang sa luho o ipon napupunta ang bonus or 13th month kundi ay hinihintay din natin ‘yun pambayad sa utang o pandagdag suporta sa pamilya. Promise, kung may spare man sa bonus namin, hindi mo na kailangang magtanong.

Alin sa mga ito ang narinig mo na? Share us your responses! Huwag ding kalimutang i-like o i-share ang article na ‘to para mabasa din ng ibang ka-officemates mo. Merry Christmas!