May kilala ka bang empleyadong pinoy na nagtataglay ng mga katangiang ito? Kilalanin ang sampung uri ng empleyadong pinoy.
1. Daldalita Paner
Walang workload ang makakapigil sa kanya para chumika dahil ito ang pampagising niya. May kilala ka bang kagaya niya?
2. Conyo Reyes
Kalimitan sa tulad niya ay bulol sa “R” at madalas napagkakamalang maarte dahil sa pagta-“taglish” niya. Do you know – like – someone as conyo as her ba?
3. OC Alcasid
Pumapasok, nagbi-break, at umaalis sa trabaho sa eksaktong oras. Organized sa lahat ng gamit, at iritable sa putal. May naaalala ka bang kaibigang tulad niya?
4. Morisette Lamon
Ka-opisina mong laging may dalang kutkutin. Masayang katabi lalo na kapag gusto mo ang dala niyang pagkain. ‘Di mo siya hinuhusgahan kasi matakaw ka rin. Naalala mo pa ba nung may dala pa syang amazing aloha burger noon?
5. Onemig Borlog
Hindi naman puyat o pagod pero tulog nang tulog hangga’t may oras at pagkakataon. Madalas bumabangon para matulog ulit.
6. Guinness Veneracion
Ayaw paawat sa “perfect attendance” at “job-well-done” awards. Tinitingala ng lahat sa taglay na sipag at determinasyon. How to be you po?
7. Funny Serrano
Madalas sinasaway dahil sa kaingayan. Maligalig mang tunay, sila ang nagbibigay kasiyahan sa boring mong buhay. Ang taong magpapasakit sa tiyan mo kakatawa sa jokes at punchlines niya.
8. Tardy Corpuz
Halos non-existent na sa opisina sa dami ng late at absent. Madalas dinadahilan ang biglaang lagnat, “dysmenorrhea,” sakit ng ulo, o pagkamatay ng kamag-anak. Asan na kaya ang kilala mong ganito?
9. Bida Morales
Celebrity, crush ng bayan, representative, at muse/escort ng department. Ang dahilan kung bakit madalas may bumibisita o may biglang magpapadala ng meryenda sa opisina niyo.
10. Coffee Domingo
Record holder sa dami nang naiinom na kape sa isang araw. Kung uso ang “tokhang” sa mga adik sa kape, garantisadong una siya sa listahan.