Independence is bliss. Sa buhay ng isang young adult, achievement ang makapag-desisyon para sa sarili, makapag-bayad ng bills gamit ang iyong hard-earned money, at ma-manage ang oras mo nang walang pag-aalala. But independence is not always fun. There are situations like these that make young breadwinners and providers realize that life is much easier and less magastos when they were younger.
1. Hindi ka basta basta nakakasama sa happenings ng mga ka-officemate mo.
For some of your colleagues, payday is the day to celebrate dahil mataba na ulit ang wallet at naka-survive sa nakaraang petsa de peligro. Pero being the young provider yourself, you believe that pay day is judgment day; kailangang i-calculate muna ang budget. At dahil diyan, hindi ka madalas nakakasama sa mga happening dahil bukod sa unplanned ito, most likely ay hindi ka nakapagtabi ng budget for it.
2. Kung makasama ka man, kailangan planado.
Sabi nila, mas natutuloy ang mga biglaang lakad. Well, not for you. As much as possible, you ask your office mates kung may plano or happenings na mangyayari pag-dating ng sweldo nang sagayon ay makapagtabi ka ng budget para dito.
3. ‘Yung ipon mo, matagal umusad dahil madalas makuhanan.
One of the prevalent struggles of young breadwinners ay ang makapag-ipon. Kung hindi ikaw ang kumukuha for unexpected and urgent needs ay nahihiraman ka ng iyong parents (which is usually hindi na naibabalik, kasi when you try to, sasabihin nila, “Gusto mo ba malaman lahat nung iginastos ko sa’yo simula nung ipinanganak ka?”).
Okay lang ‘yan. Next payday na lang perhaps?
4. Masaya ka na kung magkaroon ka ng extrang 500 o 1,000 sa sweldo mo.
Para ka nang nanalo sa lotto kapag after mo mag-calculate ay may natira pa sa sahod mo. Whichever you decide to do with it; mag-foodtrip ka, bumili ng bagong gamit, or ilagay ulit sa ipon, do it. Deserve mo ‘yan. Well done!
5. You get tipid hacks from your fellow young breadwinners.
You find comfort hindi lang sa mga kapwa mong young breadwinners, pati na rin sa mga taong napagdaanan at nalampasan ang mga struggles na dinadanas mo. Paminsan pa nga, ikaw pa ang nakaka-discover ng bagong tipid tips na siyang binabahagi mo sa kapwa providers mo. Oha, lakas maka Peso Sense!
6. You completely know the difference between necessities and liabilities.
Since alam mo na mag-budget, kaya mo na rin i-recognize ang pagkakaiba ng luho sa pangangailangan. Halimbawa, kahit gustong-gusto mo na bumili ng damit sa isang international brand, mas pipiliin mo na lang humanap ng kahawig nun sa tiangge.
7. You’re starting to prioritize your family’s needs before yours.
Another thing that adulting and independence teach you ay ang maging mas mapagbigay at matulungin lalo na sa iyong family. You’re willing to set aside your personal needs para mai-provide ang pangangailangan ng iyong parents. It’s your way of giving back sa lahat ng mga sacrifices nila para sa’yo. Kailangan ba ng bagong TV? Sige, pag iipunan ko ‘yan, ‘nay!
8. Ayaw mong gamitin ang leave credits mo nang basta basta.
Kahit sinasamaan na ng pakiramdam, hindi mo pa rin gagamitin ang leave credits mo lalo na kapag alam mong convertible into cash ito sa company niyo. At mas lalong ‘di mo papayagan na hadlangan ka ng sama ng pakiramdam kung mayroong perfect attendance reward. Sayang ang incentive!
9. Mapanuri ka sa presyo ng mga bagay at pagkain na binibili mo.
Madalas, ang tingin sa mga young breadwinners ay maluho. That they are willing to splurge for their latest social media post or #travelgoals. Kung alam lang nila, you young providers are just the same as your parents na alam kung ano mas maganda ang quality ng product pero ‘di sing mahal. Baka nga nag-beast mode ka pa nung nalaman mong three for two pesos na ang fishball.
10. People are saying you’re kuripot, but you’re just being matipid.
Para naman ito sa magandang kinabukasan, bes!
Hey, young breadwinners! Ano pa ba ang mga struggles na hindi pa namin naisama sa list? Share niyo lang sa comment box. I-share mo na rin sa profile mo at iwagayway ang bandila ng #TeamIndependent!