fbpixel
katatakutang dinaranas ng mga empleyado guy scared of the dark

10 Katatakutang Kadalasang Dinaranas ng mga Empleyado

Nalalapit na naman ang Undas! Bukod sa paghahanda sa muling pagbisita sa mga yumao nating mahal sa buhay, tradisyon na din nating mga Pilipino ang magtakutan. Dito naikukwentong muli ang urban legends ng bawat lalawigan sa mga paborito nating programa o kaya naman sa mga nakatatanda. Pero i-set aside muna natin ang kwentuhang kababalaghan. Dahil itong mga real-life katatakutang dinaranas ng mga empleyado ang magpapatunay na mayroon pang mga bagay na mas nakakatakot kaysa sa mga multo at aswang.

1. Sandamakmak na bayarin

katatakutang dinaranas ng mga empleyado bills and cards to pay
Isang beses sa isang buwan, gugulatin ka ng sangkaterba at sari-saring bill notifications na nakadikit sa refrigerator niyo sa bahay. Kung napadalas kang mag-shower o mag-aircon nitong mga nakaraang linggo, asahan mo nang “petmalu” ang halagang bubulaga sa iyong Meralco o water bill ‘pag dumating na ito.

2. Butas na bulsa

katatakutang dinaranas ng mga empleyado wallet full of insects and cobwebs
At kapag natapos mo nang bayaran ang lahat ng obligasyon mo sa bahay, mapapansin mo naman ang biglang pagpayat ng pitaka mo. Minsan, akala mo marami pang laman ang wallet mo, pero pagbukas mo, tatambad ang makapal na resibo ng ATM, notes, at lumang tickets sa bus. Welcome sa horrors ng adulting life, bes.

3. Deadlines

katatakutang dinaranas ng mga empleyado reaching a project deadline
Alam mo nang may taning ang task mo, pero nagpepetiks ka pa rin limang minuto bago ang nakatakdang oras ng submission ng project mo. Ang ending tuloy, para kang hinahabol ng manananggal matapos lang ang trabaho mo.

4. Late na sweldo

katatakutang dinaranas ng mga empleyado offline atm machine
Wala nang mas nakakagimbal pa kapag narinig mo ang announcement na ito sa opisina niyo. Although hindi naman kadalasan mangyari, nasasaktuhan naman siya kung kailan sobrang short ka na sa budget at may mga disconnection notice ka na. Survival mode: on.

5. Disconnection notice

katatakutang dinaranas ng mga empleyado sleeping with cut-off power supply
Kung nakakagulat ang sandamakmak na bill notifications, ang disconnection notice (take note, singular siya) nakakataranta. Para kang nakakita ng multo na humihingi ng tulong kapalit ng katahimikan niya.

6. Late ka na paggising mo

katatakutang dinaranas ng mga empleyado a guy stunned by a scary alarm clock
Minsan, mapapatanong ka sa sarili mo kung malalim ka lang talaga matulog o napo-possess ang cellphone mo dahil hindi siya nag-alarm. ‘Wag mo pagsuspetyahan ang alarm mo. Nakalimutan mo lang talaga mag-set o nauna ka nang nakatulog bago mo pa magawa ito.

7. Seenzone ni boss

katatakutang dinaranas ng mga empleyado seenzoned on chat
Hindi man nakakatakot, pero garantisadong mamumutla ka kakaisip kung bakit walang reply o “seen” lang ang private message mo kay bossing pagkatapos mong magpaalam na hindi makakapasok sa trabaho ng higit sa isang araw. Makaramdam ka naman daw.

8. Biglang pinatawag sa HR

katatakutang dinaranas ng mga empleyado guy scared of the dark
Isa ito sa mga popular na katatakutang dinaranas ng lahat ng mga empleyado. Yung tahimik kang nagtatrabaho nang bigla kang pinatawag ng HR officer o HR manager niyo. Mamumutla ka na lang kakaisip kung may ginawa ka bang kalokohan o kung may trabaho ka pa ba kinabukasan.

9. Unsaved data or document tapos biglang nag-brownout

katatakutang dinaranas ng mga empleyado a guy having problems with his laptop
Wala nang mas nakaka-bad trip pa kapag ang dami mo nang naisulat o nagawang report nang biglang nag-brown out—at hindi mo nai-save ang ginawa mo. Eng sherep megwele.

10. Transport strike

katatakutang dinaranas ng mga empleyado no city transport
Dahil sa sobrang ilap ng mga pampasaherong sasakyan, nagmimistulang mga zombie ang mga tao na humahabol sa dumarating na dyip. Ang lakas pa maka-aswang sa badtrip kapag tiniyaga mong pumila nang mahaba at matagal only to find out na wala na palang dyip na darating.
Alin sa mga katatakutang dinaranas ng mga empleyado ang naranasan mo na? Share mo sa mga kaopisina o kaibigan mo kung naka-relate ka! Pwede ka din mag-comment kung mayroong hindi naisama o kung may gusto kang ibahagi.