fbpixel
wallet inside a pocket

10 Bagay na Madalas Mong Naririnig sa Ka-opisina Mong Butas ang Bulsa

Isa ka ba sa mga empleyadong walang pera na inip na inip na sa pagdating ng sahod? Kung oo, siguradong makakarelate ka sa mga katagang ito:

1. “Diet ako/diet ang wallet ko.”

1-Diet ako o diet ang wallet ko
Biglang on a diet noong tinanong mo kung may gusto siyang ipa-deliver sa Jollibee o McDo.

2. “Pwede bang SD/utang ‘yan?”

2-Pwede bang SD o utang yan
Kapag nakumbinsi na, magtatanong na kung pwede bang ipa-salary deduction ang order o utang muna sa’yo—kung ikaw man ang pasimuno ng orderan na ‘yan.

3. “Tara, lakad!”

3-Tara lakad
Ang dating sinasakay nila ng tricycle, ngayon nilalakad na. Minsan aayain ka pa para may kasama siya.

4. “Palista po muna!”

4-Palista po muna
‘Yan ang sasabihin niya sa nagtitinda sa karinderya pagkatapos kumain. O kaya kunwaring nakalimutan ang wallet para hindi masyadong nakakahiya.

5. “‘Di ‘yan masarap!”

5-Di yan masarap
Ikaw: Uy, tingnan mo, oh, mukhang masarap!
Siya: Magkano daw?
Ikaw: 150 lang, bes!
Siya: Naku, ‘di masarap ‘yan!

6. “Magtitipid na ako, pramis!”

6-Magtitipid na ako pramis
Ang pangakong paulit-ulit mong naririnig at paulit-ulit mo ring nakikitang binabali. Ano na?

7. “Magpapahanda ba si ______?”

//www.filwebasia.com/wp-content/uploads/2017/10/7-Magpapahanda-ba-si.jpg
Bigla niyang naaalala ang birthday ng ka-opisina niyo (kahit ‘di niya ka-close), nagbabakasakaling mag-treat ito.

8. “Ano ulam mo? Sardinas.”


Alam mong nasa survival mode na siya kapag ang ulam niya ay canned sardines, tuna, hotdog, o siomai.

9. “Hihingi na lang ako kay mama/papa.”

9-Hihingi na lang ako kay mama-papa
Kapag walang-wala na talaga, at ‘di mo rin naman siya matulungan (kasi isa ka ring butas). Ang ending, hihingi na lang siya ng saklolo sa mga magulang niya.

10. “Next cut-off na!”

10-Next Cutoff Na
Ito ang tanging sagot niya sa lahat ng alok at aya niyong mga ka-opisina. Minsan sinasabi niya din ito kapag may sweldo na: next cut-off na magtitipid. ‘Di na natuto.