fbpixel
perfect summer office OOTD

10 Tips for a Perfect Summer Office #OOTD na Dapat Mong Malaman

It’s summer again! Some companies have already allowed their employees to wear summer outfits. Imagine the hassle, ‘di ba? How can you pull off an office attire if it’s 38 degrees outside? If your company doesn’t allow wearing comfy summer clothes, don’t worry, child. Here are the 10 perfect summer office OOTD tips na siguradong kaya mong dalhin at i-rampa ngayong tag-init!

1. Piliin ang mga damit na kulay pastel o neutrals.

Pastels and Neutrals for a perfect summer office OOTD
Just because it’s summer, doesn’t mean you can’t pull off bright clothing. Kung mahilig ka sa makukulay na damit, piliin ang pastel colors gaya ng powder blue, canary yellow, at millennial pink. Maaari rin ang neutral colors gaya ng skintone, grey, at ivory.

2. Huwag mag-dalawang isip na magdagdag ng “popping color”.

Add a pop of color for perfect summer office OOTD
Siyempre, dahil summer ngayon, huwag matakot na mag-dagdag ng “pop of color” lalo na sa iyong mga accessories. Maaari mong ternuhan ang iyong pastel outfit ng neon-colored pums, bracelet, or iba pang accessies na maga-accentuate ng iyong attire.

3. Mahilig sa prints? Piliin ang floral o iba pang tropical patterns.

Floral and tropical prints for a perfect summer office OOTD
Kung mahilig ka at may koleksyon ka ng floral garments, pagkakataon mo nang mag-stand out ngayong summer! Floral, palm tree, at iba pang tropical prints ang staple ng perfect summer office OOTD.

4. Mag-layer ng mga maaliwalas na damit.

Layer Light Garments for a perfect summer office OOTD
Alalahanin na kahit maalinsangan ang panahon, air-conditioned ang inyong opisina at tiyak na lalamigin ka kung walang pamatong sa iyong damit. Para hindi mahirapan dalhin kahit sa labas ng opisina ang iyong pang-layer, pumili ng jacket or cardigan na yari sa cotton, linen, chambray, o silk.

5. Ayaw sa floral? Bold patterns ang magandang alternative choice.

Try bold patterns for a perfect summer office OOTD
Kung hindi ka mahilig sa floral at tropical prints, pwedeng mag-suot ng office summer attire na may bold prints gaya ng Aztec, polka dots, abstract, stripes, o ‘di kaya checkered.

6. Tinatamad mag #OOTD? Mag-back to basics.

Back to Basics for a perfect summer office OOTD
Kung wala ka sa “mood” pumorma, you can still nail a perfect summer office OOTD sa pag-suot ng loose blouse, cropped jeans, o sleeveless. Just make sure na appropriate ito sa dress code ng inyong opisina.

7. Suotin ang mga damit na yari sa maagaan at maaliwalas na tela.

Pick lightweight fabrics for a comfortable and perfect summer office OOTD
Gaya ng nabanggit sa no.4, para hindi madaling banasin at maging kumportable sa iyong pananamit sa labas man o loob ng opisina, siguraduhin na yari ang susuoting damit sa maaaliwalas na tela.

8. Huwag mag-suot ng mga masyadong revealing na damit.

Dont wear too much revealing clothing for a perfect summer office OOTD
Oo, summer ngayon, pero hindi ito dapat dahilan para mag-suot ng mga damit na niri-reveal na masyado ang iyong balat. I-wasto ang iyong summer office OOTD sa dress code ng inyong kumpanya at mag-suot ng pamatong kung kinakailangan.

9. Mag-lagay ng accessories para kumpletuhin ang perfect summer office OOTD.

Accessorize for a perfect summer office OOTD
Ilan sa mga “pandaya” at pandagdag feature sa simpleng pananamit ay ang pag-suot ng accessories. Huwag lang kalimutan na limitahan ang dami ng accessories na susuotin para hind imaging O.A. sa paningin.

10. Iwasan ang mga loud patterns at colors.

Avoiding loud colors can make a perfect summer office OOTD
Huwag mag-suot ng mga damit na masyadong “loud” ang kulay at patterns. Dahil bukod sa masakit sa mata itong tingnan, ay maaari itong makadistract sa iba lalo na sa mga kasama mo sa opisina.
It’s not too late para i-upgrade ang iyong OOTD. Lagi lang tatandaan ang tips na ito at siguradong masu-survive mo ang summer in a fashionable way! I-share ang article na ito sa iyong kaofficemates para maging #SquadGoals ang inyong summer OOTD!