fbpixel

8 Bagay na Mapapansin Mo sa Isang Empleyadong Hindi Katiwa-Tiwala

One bad apple can spoil the whole bunch. Nakakasira sa samahan ng team ang isang negative na miyembro. Bukod sa hindi siya madaling pakisamahan, mararamdaman ng iba na lumiliit ang mundo nila kapag kasama siya. Paano ba natin masasabi na siya ay hindi mapagkakatiwalaang katrabaho? Hindi siya harmful sa pisikal, pero pwede siyang maging lason sa inyong team kung hindi ito maagapan. Narito ang walong signs na dapat mong malaman para maconfirm kung siya nga ay toxic sa inyong team.

1. Interesado sa iyong job descriptions.

hindi mapagkakatiwalaang katrabahoNormal lang ang magtanungan ng ideas o humingi ng instructions sa iyong kaopisina. Makakatulong ito para sa professional growth ng bawat team member. Parte rin ito ng teamwork para ma-accomplish ang project. Ngunit, kung higit sa sakop ng trabaho na ang inaalam ng iyong officemate, makiramdam ka na. Kung ikaw ang madalas na top performer sa team, mag-ingat sa kaopisinang masyadong curious sa iyong trabaho. Kadalasan sa mga hindi mapagkakatiwalaang katrabaho ay aalamin nang mabuti ang trabaho ng kanyang target upang makagawa siya ng paraan para siya ang maging the best sa inyong team.

2. May siniraan na siyang ibang tao dati.

Lahat tayo ay may pagkakamali, pero hindi ito para i-bring up pa lalo na kung hindi ito makakatulong sa trabaho. Kung mayroon kang ka-opisina na hanggang ngayon ay inuungkat parin ang mga bagay tungkol sa colleague niyo na kanyang nakaalitan, makabubuting umiwas ka sa kanya. Ang mga ganitong toxic na tao ay mahirap pagkatiwalaan at mahirap makasama sa loob ng opisina.

3. Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at negative feedback.

hindi mapagkakatiwalaang katrabahoNakasalalay rin ang career success ng isang tao sa kung paano siya tumanggap ng negative feedback. Kung ang officemate mo ay mabilis madismaya, magalit, o ma-offend sa kritisismo o saloobin ng ibang members, malaki ang chance hindi niya narerealize ang nagawa niyang pagkakamali. Worse case, hahanap siya ng butas ng ibang members at ibubuntong ang sisi sa iba.

4. Sino-solo ang credits at success na ginawa niyo naman as a team.

hindi mapagkakatiwalaang katrabahoMalalaman mong hindi mapagkakatiwalaang katrabaho ang isang tao kung ang nakikita lang niya ay ang sarili niya sa inyong team. Inaangkin niya ang credits ng buong grupo kahit na lahat kayo ay pantay-pantay na nagtrabaho para lang sa isang proyekto. Kung minsan ay malalaman mo pa na sinabi niya sa iba na hindi gagalaw ang team nang wala siya o nang dahil sa kanya kaya naging successful ang strategy na ginawa.

5. Hilig pag-chismisan and mga katrabaho niya.

hindi mapagkakatiwalaang katrabahoMasayang makipagchikahan sa iyong malapit na colleague sa opisina, lalo na kung kayo ay nabo-bore o inaantok sa inyong trabaho. Pero kung nararamdaman mo na ang kachikahan mo ay ang siyang nag-uugat ng mga akusasyon at rumors, makabubuting bawasan ang pakikipag communicate dito. Lagi mong tatandaan, those who gossip to you will gossip about you.

6. Sobrang sipsip sa inyong boss.

hindi mapagkakatiwalaang katrabahoKung literal lang ang pagiging sipsip ay malamang patay na sa pagkaubos ng dugo ang inyong boss. Malalaman mo na sipsip ang iyong katrabaho kung siya ay palaging gumagawa ng paraan para ma-outshine kayong lahat sa team, sinisigurado niyang siya palagi ang papaburan, at halos agawan na kayo nito ng trabaho para lang makapag pa-impress. Ang mga ganitong uri ng hindi mapagkakatiwalaang katrabaho ay nagdudulot ng imbalance sa opisina na maaaring pag-ugatan ng bias o injustice.

7. Maraming ng beses nahuhuling nagsisinungaling.

hindi mapagkakatiwalaang katrabahoMinsan mo na ba siyang nakita na nasa mall sa mismong araw na nag-file siya ng sick leave? Nagsabi na ba siya dati na sobrang busy siya kahit ang totoo ay nag ba-browse lang siya sa social media? Honesty is the best policy kahit sa loob ng opisina, at kahit ang mga simpleng pagsisinungaling na ito ay maaring magdulot ng malaking damage sa trust, respect, at camaraderie sa inyong team.

8. Puro salita; walang output.

hindi mapagkakatiwalaang katrabahoAt huli, mahirap magtiwala sa kapwa empleyado na walang isang salita at sa una lang magaling. Malalaman mo na ganito ang attitude niya kung madalas siyang magyabang na matatapos agad o “beyond satisfactory” ang output only to find out na delayed ito o di kaya naman ay malayo sa kanyang ipinagmamalaki. Ang mga ganitong uri ng toxic employee ay makakaapekto sa trust, teamwork, at production flow ng team.
Ano pa ba ang mga signs na makikita sa isang hindi mapagkakatiwalaang katrabaho? May experience ka na ba sa kanila? Huwag mahiyang i-share ang iyong experience sa comment box. I-share mo na rin, malay mo at mabasa niya at finally, makaramdam na siya!