fbpixel

10 Realizations ng Bawat Pilipino Pagkalipas ng Pasko

Sabi nga mula sa isang linya ng isang modernong kantang pamasko, “May tatalo pa ba sa Pasko sa ‘Pinas?” Tiyak wala. Dito ka lang sa bansa natin makakakita na ber months pa lang, naghahanda na tayong mga Pinoy para sa Pasko. Kaya naman pagkatapos nating ipagdiwang ang masayang season ng taong ito, marami tayong mga napapagtanto sa ating mga sarili. Kung ikaw ay isang empleyado, makaka-relate ka sa mga realizations pagkatapos ng pasko gaya ng mga sumusunod:

1. Napakain ka nang marami noong Noche Buena.


via GIPHY
Para kang nahulasan mula sa hangover at na-realize mo you partied too much. At ngayon, sising-sisi ka na dahil nakalimutan mo yung ipinangako mo sa sarili mong, “Konti lang ang kakainin ko” pagkatapos mong makita ang mga nakahandang pagkain noong Noche Buena.

2. (Halos) Ubos na ang 13th month pay at bonus mo.


via GIPHY
Isa sa mga prominenteng realizations pagkatapos ng pasko ay yung hindi pala umabot ang bonus at 13th month pay mo sa Pasko. Maraming dahilan, pero madalas nauubos natin ito sa pagbili ng mga panregalo sa mga kaibigan, kaopisina, kamag-anak, at inaanak, pati na sa mga gamit para sa sarili o sa pagkain. Umamin ka na.

3. May mga inaanak ka pa palang hindi mo pa napapamaskuhan.


via GIPHY
Naranasan mo na ba ‘yung akala mo napamaskuhan mo na lahat ng inaanak mo noong umaga ng December 25, only to find out na noong kinahapunan, dumating ang iba mo pang mga inaanak na hindi mo pala naisama sa listahan? Ilabas ang ampaw at wallet.

4. Ilang araw mo nang kinakain ‘yung natirang handa niyo noong Noche Buena.


via GIPHY
Parte na ng tradisyon natin tuwing Noche Buena ang maghanda ng maraming pagkain. Kaya pagkatapos ng kainan, marami pa rin ang natira. Ang resulta, kailangan niyong ubusin ng buong pamilya ang mga ‘yun bago ito mapanis. Kaya naman, Christmas ham sa almusal, ganun din sa tanghalian, pati sa hapunan. Talk about umay, bes.

5. Tuluyan ka nang nakalimutan ng ninong at ninang mo.


via GIPHY
Isa pa sa matagal nang realizations pagkatapos ng pasko ay ang mga ninong at ninang nating matagal nang naglaho. Natatandaan mo pa ba kung kailan mo sila huling nakita at nakausap? Mapapagtanto mo rin na habang tumatanda ka, pabawas na din nang pabawas sa kanila ang nagpapakita sa’yo lalo na tuwing pasko.

6. Ang taba mo na lalo.


via GIPHY
At dahil sa napasarap ka ng kain noong Noche Buena, nakalimutan mo na kung ano yung ipinangako mo sa sarili mo na magbabawas ka. Bes, hindi ka na nga nag-diet, nagdagdag ka pa lalo! Pero gaya nga ng sinasabi natin sa mga sarili natin, “Okay lang na malaki ang tiyan, basta hindi bata ang laman.”

7. Wala ka pang nabibili para sa sarili mo.

Sa mga breadwinner, isa sa mga popular na realizations pagkatapos ng pasko ay yung sa dinami-dami ng nagastos mo sa pamasko at pambayad, nakalimutan mo nang bilhan ng regalo ang sarili mo. Pero okay lang sa’yo ‘yun kasi bawing bawi ka naman sa sayang nakikita mo sa mga magulang mo na tinulungan mo sa mga bayarin. May sweldo pa naman ika nga. Naranasan mo na bang makatanggap ng mga weird na regalo kagaya nito?

8. Ang hirap pa ring bumiyahe papasok at pauwi ng trabaho.


via GIPHY
Just when you thought the “mas pinalalang daloy ng traffic” will be over after Christmas, nagkakamali ka. Marami sa atin ang nagtataka, “Tapos na ang Pasko, ah? Bakit ang hirap pa ring bumyahe?” Don’t you forget, mars, sasapit pa bagong taon, kaya prepare yourself for the worst.

9. Wala kang bakasyon.


via GIPHY
Naaalala mo pa ba noong estudyante ka pa at nangangarap na sana ay nagtatrabaho ka na lang dahil at least may pera? Ngayon, ganoon pa rin ba ang iniisip mo habang pinapanood mong natutulog ang mga kapatid o kamag-anak mong estudyante? Pahinging bakasyon, please!

10. May Media Noche pa pala.


via GIPHY
Last, but not the least sa mga realizations pagkatapos ng pasko, kung akala mong makakapagsimula ka na sa Balik Alindog Project mo, nagkakamali ka na naman dahil may Media Noche pa. Oo, kakain ka ulit, beshy! Huwag mo na din lokohin ang sarili mo, makakalimot ka din sa dami ng ihahanda ninyo.
Na-realize mo ba ang lahat o ilan sa mga ito? Share mo sa mga kaibigan at kapwa empleyado mo! Kung may sarili ka ring mga realizations nitong nakalipas na pagdiriwang ng Pasko, ‘wag kang mahiyang i-share sa aming comment box. Gusto naming marinig ang istorya mo!