fbpixel
10 Signs ng Bagong Empleyado na Tapos na sa Adjustment Period

10 Quirks ng Isang Bagong Empleyadong Nakapag-Adjust na sa Trabaho

We all have been through that phase of being a newbie a.k.a bagong empleyado. ‘Yung halos mapanis na ang laway mo sa sobrang pagiging tahimik, dahil gusto mong makita ka ng bagong mga ka-opisina mo as a decent, proper person. Pero habang tumatagal ka sa kumpanya, nagiging kampante’t comfortable ka na sa paligid mo. Kung nakikita mo ang mga sign na ito sa bago niyong empleyado, tiyak na makakarelate ka’t maaalala mo rin ang iyong bagong empleyado days—well, unless hindi uso sa’yo ang adjustment period.

1. Nakikikain na.


via GIPHY
Yung dating natanggi kapag inaalukan ng pagkain, ngayon ay humihingi na kahit hindi mo alukin. Ito ang isa sa mga nahuhuling signs na lumalabas kapag nagiging kampante na ang bagong empleyado sa paligid niya. If you noticed this quirk to your newly-hired teammate, sure ‘yan, tapos na siya sa adjustment period.

2. Pumapasok nang hindi naka-ayos.

via GIPHY
Nung una, makikita mo siyang palaging naka gayak. Sa babae, naka make-up, maayos ang buhok, at parang everyday #OOTD ang peg. Sa lalaki naman, mahihiya na lang si James Reid sa swabe ng porma. Kapag lahat ng ito ay unting-unti nang napunta sa casual outfit at no-makeup, signal na ‘yon na kumportable na siya, at tanggap na niyang hindi niya kailangan mag-effort palagi ng look sa office.

3. Gumagala na sa station ng mga ka-opisina niya.

via GIPHY
Kapag wala siyang ginagawa, daig pa niya ang supervisor sa kaka-ikot sa mga cubicles para “mangamusta” lang. Kung hindi siya mang-uusisa ng trabaho, uupo ito sa upuan mo para ma-feel niya ang environment ng pwesto mo. Huwag ka mababahala kung ganito ang bagong empleyado niyo. Normal lang ito at nangangahulugang mas nagiging curious na siya sa mga nangyayari sa loob ng opisina.

4. Nanggugulat.

Kung hindi siya ‘yung mahilig gulatin ng mga ka-opisina, siya ang mahilig manggulat. Madalas niyang nabibiktima ang mga ate o kuya niya sa opisina na pamali-mali kung magulat.

5. Sumasali na sa daldalan/chikahan.


via GIPHY
Ang dating hindi pala-imik ay nakikisawsaw na sa mga daldalan at chika ngayon. Minsan kahit ‘di mo siya tatanungin ng opinyon, buong puso’t emosyon niya iyon ibibigay sa’yo.

6. Kumakanta nang malakas (kahit alam niyang bagong empleyado pa lang siya – at magugulat ang mga ka-opisina niya.)

via GIPHY
At kapag sobrang lumabas na ang kulit ng inyong bagong empleyado, papakitaain kayo nito ng talentong tiyak na magpapagising sa tanghaling tapat niyo. Kahit alam niyang hindi siya songstress o songster at alam niyang kahihiyan niya ang nakasalalay, aawitin parin niya ang “Secret Love” para lang sumaya kayo.

7. Hindi na nahihiyang mag open up.


via GIPHY
Kapag kampante na ang isang newbie sa bagong kumpanyang pinagtatrabahuhan niya, doon na din niya unti-unting mare-recognize kung sino sa inyo yung maituturing niyang office kuya or ate. Kaya kung nag o-open up man ang bagong empleyado sayo tungkol sa mga problema niya, pahalagahan mo ang tiwalang iyan.

8. Nagiging matanong sa mga bagay na nangyayari sa opisina.


via GIPHY
Dahil bago siya sa loob ng organization niyo, natural lang na madami siyang mga gustong malaman kagaya ng leaves, lates, company perks, office policies, at marami pang iba. Huwag kang mayayamot sa kanya. Sa halip ay gabayan mo siya para mas maging pamilyar pa siya sa loob ng kumpanya.

9. Nakikipagbiruan/asaran na.

Isa sa mga obvious signs na nakapag-adjust na ang isang bagong empleyado ay yung nakikipagbiruan o nakikipag asaran na siya sa mga ka-opisina niya. Dito mo makikita na ibang-iba siya sa mga unang linggo niya—at ang hirap niya ring sawayin. Welcome sa another pasaway member ng team niyo!

10. May “endearments” na siya sa mga datihang kaopisina.


via GIPHY
Kapag nagde-develop na ng special bond ang isang baguhan sa kanyang mga new-found friends, ay nagkakaroon ito ng mga endearments sa kanila. Tinatawag niya ang mga nakakatanda sa kanya na ate, kuya, paps, o mumshie. Sa mga kasing-edad naman niya, tinatawag niya itong “beh”.

BONUS: Nale-late nang pumasok, o paminsan napapa-absent na.

Finally, kung ang bagong empleyado ay nabigo nang masungkit ang perfect attendance award matapos ang ilang attempts, mapapansin mo na rin ito na nagkakaroon na ng lates at paminsan minsan ay biglaang nagli-leave. Kung gusto mo siyang tulungan ma-achieve yung goal niya, pep talk lang na galing sa’yo ang kailangan.
Ilan sa notable new employee signs na ito ang naka-relate ka? I-share at i-mention mo ang kaopisina mong graduate na sa adjustment period! Do you need more tips how to be productive in the office? Check this 2018 Chinese Career Horoscope we’ve prepared for you.