Sabi nga ni Aristotle, “We are what we repeatedly do. Excellence then, is not an act, but a habit.” If we want to be a good example to others, especially sa mga ka-opisina natin, dapat nire-reflect natin ang 10 magandang kaugalian ng isang empleyado. At hindi lang dapat reflect ‘yun, ah? Dapat habit natin siya; hindi for the sake na makapag-build lang ng magandang image or ma-impress si boss.
Ano ba ang 10 magandang kaugalian ng isang empleyado?
1. Napasok sa trabaho nang maaga or on-time.
Punctuality is the best policy. Ang pag-pasok sa trabaho araw-araw nang maaga or on time ay hindi lamang isang challenge o training para maging isang ulirang empleyado. Pagpapakita rin ito ng disiplina, kasipagan, respeto, at interes sa trabaho. Kung may benefits or rewards sa punctuality ang inyong company gaya ng Perfect Attendance award, gawin itong driving force para ma-overhaul ang iyong morning routine.
2. Considerate sa ibang officemates.
Kalimitan sa modernisadong corporate offices ngayon ay nagbibigay ng laya sa mga empleyado gawin ang ilang mga bagay–gaya ng pagpapatugtog ng music sa opisina—kung ito ang makakapag-boost ng kanilang productivity. Pero halimbawa, kung isa sa mga ka-opisina mo ay hindi makapag-concentrate sa pagpapatugtog ng music, dapat mo itong i-respeto.
3. Malinis sa paligid.
Isa sa mga importante at magandang kaugalian ng isang empleyado ay ang pagiging malinis–hindi lang sa sarili–kundi sa kanyang paligid. Pero sa kasamaang palad, ito naman ang isa sa mga mahirap gawin at makita sa mga empleyado. Laging isa-isip na hindi lang ikaw ang gumagamit ng facilities at resources ng company, kaya panatilihin itong maayos at malinis as courtesy sa susunod na gagamit.
4. Marunong magkusa.
Madalas, sakit na nating mga Pinoy ang pag “ignore” sa mga bagay na pwede naman na tayo na mismo ang gumawa. Ilan na lamang sa mga ito ay ang pag-linis o pag-tapon ng nakita nating kalat o ‘di kaya ang pag-patay ng ilaw sa CR na walang gumagamit. Matuto tayong mag-kusa sa mga maliliit na bagay na nakikita natin sa paligid natin.
Note sa mga nakakalimot mag-linis o nag-hihintay lang na may magkusa, huwag po maging abusado.
5. Sumusunod sa mga patakaran ng kumpanya.
Ang rules and regulations sa kumpanyang iyong pinagtatrabahuhan ay hindi lamang para basahin; dapat itong sundin. Pagpapakita na rin ito ng respeto sa kumpanya at disiplina sa sarili. Yes, sabi nga nila, “Your workplace is your second home.” Pero hindi ito ibig sabihin na dalhin natin ang habits natin sa bahay gaya ng hindi pag-ligpit ng mga ginamit na company resources, pag-papatugtog ng mga inappropriate songs, at iba pa.
6. Nagpa-participate sa mga company activities.
Kung gusto mong mas makilala ka ng iyong mga katrabaho, huwag maging KJ! Sumali sa mga activities ng kumpanya. Maaaring mahirap ito lalo na sa mga baguhan at introverts, pero you are encouraged to give it a try. Dito mo mahahasa ang iyong team player skills, communication skills, at social skills.
7. Hindi inaabuso ang free resources ng kumpanya.
Halos parehas ito sa naunang magandang kaugalian ng isang empleyado na nabanggit, but more specific. Hindi lahat ng kumpanya ay may added perks gaya ng libreng kape, tubig, at iba pa. Kaya kung available ito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo, ay wag itong sasayangin. At dahil company property ang mga resources na iyong napapakinabangan, maaari itong tanggalin kung sakaling makita ng management ang pag-abuso sa mga ito.
8. Marunong mag “Thank you”.
Ganito lang kasimple: Ang pagsasabi ng “thank you” o “salamat” sa kahit na sino–in and out–ng company premises ay pagpapakita ng respeto at pag-galang sa taong tumulong sa’yo. Pangalawa, nag e-encourage ito ng good act at positivity. Kaya smile and huwag kalimutan magpasalamat sa mga taong tumutulong sa’yo.
9. Marunong gumalang sa kahit na sino.
Huwag pipiliin kung sino lang ang iyong rerespetuhin sa loob ng kumpanya. Regardless sa posisyon o “status” nito, nararapat lang na lahat sila ay bigyan mo ng pantay na treatment. Hindi ka lang dapat kay boss mabait, dapat sa lahat!
10. Nagco-contribute sa team.
Panghuli sa 10 magandang kaugalian ng isang empleyado ay ang pagiging participative sa team. Huwag ka mahihiyang i-contribute ang iyong ideas and knowledge sa mga meeting at maging aktibo sa pag-sagot ng questions. Hindi lang ito pagpapakita ng interes sa iyong trabaho kundi start na rin ito para ikaw ay mag-grow sa iyong career.
Ano pa ba ang magandang kaugalian ng isang empleyado ang dapat nating i-possess? Share your insights on the comment box! Share mo na rin para ma-inform ang ka-officemates mo!