It’s Valentine’s month again! Magiging kulay pula na naman ang halos lahat ng bagay sa paligid. From store displays to office decorations, mamumula ang mga mata mo sa dami ng heart-shaped at cupid-cut outs. Ang araw ng mga puso ay espesyal lalo na sa mga couples in love, at ito rin ang araw na lahat ng kapaitan ay lalabas sa mga single ladies and gents. Ano ang madalas nilang sinasabi? Narito ang ilan!
Disclaimer: We don’t mean to call out people who joke about Valentine’s Day in this content. Its purpose is to make us laugh, recall common remarks most of us can relate to, and remind us that Valentine’s Day is for everyone—not just for couples.
1. “Kaya ko naman i-date ang sarili ko ngayong araw ng mga puso!”
We claim our strong, independent self the most on February 14th to comfort and convince ourselves that we don’t need a date to feel special on Valentine’s Day. Of course, you can, darling. Chin up, shake the bitterness off, and treat yo self.
2. “November na ba? Ang daming flowers!”
If there’s something dead that deserves to get flowers, it will be your faith in love. Instead, be delighted na nakakakita ka ng maraming flowers, hearts, and happiness around you. It only means true love is still around.
3. “Tara, group date!”
Ito na yata ang least bitter remark na madalas nating marinig tuwing sasapit ang araw ng mga puso. Tama ‘yan, imbes na magmukmok ka and hate the world for being single, ask your barkada on a date. So, panindigan ang “misery loves company” in a much meaningful and fun way.
4. “Happy Singles Awareness Day!”
Sa mga bagong single, matagal nang single, at ginustong maging single, there’s a place for you on Valentine’s Day. Okay lang na magkaroon ng Happy Singles Awareness Day as long as you’ll spend it with the ones you love such as your family and friends. Oh, di ba, you’re not so single at all? You’re loved. Remember that!
5. “Ay ang bilis. March na agad?”
Another bouquet of flowers and pakikiramay to sweet, innocent February na biglang kinakalimutan kapag turn na n’yang mag-shine sa isang taon. Tama ‘yan, besh. March na, mauna ka nang magbakasyon para hindi mo na makuhang maging bitter sa Araw ng mga Puso.
6. “Happy Independence Day!”
Just like what I said to people who treat Valentine’s Day as Singles Awareness Day, go lang! Whatever you call it, as long as it’s good for your heart, soul, and the people around you, push lang! Treat yo self. Deserve mo ‘yan.
7. “Gagawin n’yo ding basahan ‘yang couple shirts n’yo!”
Para sa mga bitter na iniisip o gustong sabihin ito sa tuwing makakakita ng couple na naka-couple shirt sa araw ng mga puso, ‘wag mo nang balakin. Aside from the fact that their relationship isn’t your business, mamimiss-out mo ang mas magagandang bagay na dapat mong i-recognize sa araw na ‘yun.
Hayaan mo na kung may naka-print na B4yb3h CoUh_4eVer sa likod ng couple shirt nila. Choice nila ‘yan.
8. “Lolokohin ka din n’yan!”
Joke man o hindi, do you know that person so much to judge him/her? Madalas itong hugot ng mga singles na kagagaling lang sa masalimuot na break-up. Don’t let your misery get the better of you, friend. Just because your past relationship didn’t work, eh ganyan na din ang tingin mo sa iba. Huwag ganun! Have faith, bes. Mayro’ng para sa ’yo.
9. “Maghihiwalay din kayo!”
Again, hindi pare-pareho ang sitwasyon natin pagdating sa relationships. Love still exists, babe. It just so happened na hindi pa s’ya yung meant for you, but never lose hope in love. Exhale the negative and inhale the positive. Always see the good in every situation.
10. “WALANG POREBER!”
Aminin mo, naka-encounter ka na at least once sa araw ng mga puso na may naringgan kang sumigaw nito. Kung ito man din ang nasa isip mo at gusto mo ‘ring isigaw, utang na loob, i-kain mo na lang yan. Mahahanap mo ang forever mo sa food trip. Masaya ka na, busog ka pa.
Come on, people! Ang araw ng mga puso ay hindi exclusive for couples to celebrate. Alam mo bang may pinag-ugatang mga kasabihan ang ilan sa mga ito? Valentine’s Day is a celebration of love and friendship din. If single ka, may family and friends ka na nagmamahal sayo. I-date mo si mommy at si daddy, o di kaya mag group date kayong magka-kaibigan! It’s a win-win situation, walang dahilan para maging bitter!
Ano pa bang mga bitter remarks ang madalas mong naririnig tuwing araw ng mga puso? I-share mo naman sa amin!